Lumaktaw sa pangunahing content

Estudyante:Karapatan Mo,Alamin Mo





                   https://www.peopleforstudentrights.com/images/PeopleForStudentRIghts/PeopleforStudentrights.gif
                 




A:Mga Estudyante.
L:Ipaalam ang karapatan ng bawat estudyante.
S:May mangilan-ngilan paring sitwasyon na nalalabag ang karapatan ng mga estudyante.
G:Mabibigyan ng kaalaman at unawa sa mga karapatan ng mga estudyante.


    Estudyante:Karapatan Mo, Alamin Mo

Malaking bahagi sa ating buhay ang pagiging estudyante. Minsan nahihirapan sa mga takdang-aralin,pagsusulit at proyekto ngunit napapawi ang lahat ng ito sa tulong ng ating kaibigan,kaklase,magulang at guro. Mas gaganda o giginhawa ang ating buhay kung alam natin ang mga karapatan bilang estudyante. Ilan dito ay may kalayaang maipapahayag ang nararamdaman,kaligtasan,kabutihan at pantay-pantay na pag trato.

Kalayaang ipahayag ang saloobin,nararamdaman o opinyon. Isa sa mga gampanin ng ating mahal na mga guro na tulungan ang bawat estudyante na malayang ipahayag ang  kanilang saloobin,nararamdaman o opinyon sa klase. Makakatulong ito upang iangat ang tiwala sa sarili at mabawasan ang pag ka mahiyain at pagiging tahimik ng bawat estudyante. Makatutulong rin ito sa guro upang maunawaan ang isang mag aaral at mag karoon ng pag kakataong pakibahagi sa talakayan.

Kaligtasan at kabutihan. Isa sa mga karapatan bilang estudyante. Ayon sa Youth Rise Behavior Survey, 14% ang naiulat na nabubully sa loob ng paaralan. Pagpapakamatay ang ikatlong nangungunang dahilan ng mga kabataan sa buong mundo ayon sa National Institute Mental Health. Kaya dapat 100% ang kaligtasan at kabutihan sa loob at labas ng paaralan at dapat sinusuportahan din nila ito. Kaya naman pinapatupad ng bawat paaralan ang isang symposium sa pag babawal sa ano mang uri ng pang bubully o anti bullying.

Isa sa laging himutok ng mga mga estudyante ay ang ibat ibang pagtrato sa kanila ng kanyang guro,kaklase atbp. Kaya naman nabuo ang salitang teacher's dog o favoritism sa loob ng classroom at kung minsan kung sino pa ang nakaka-angat sa estatado ng buhay ay siya pa ang pinapaburan kaya malaking pagsubok ito sa mga guro na dapat pantay pantay ang kailangang pagtonginan at pag trato, walang nakaka-angat, walang nakakababa. Para maiwasan ang kaguluhan at hindi pag kakaunawaan ng bawat isa.

Bilang isang estudyante dapat alamin at isagawa mo ang karapatan at responsibilidad mo bilang isang estudyante. Maging dakila at modelo ka sa iba. Laging pumanig kung ano ang tama huwag hayaang matapakan ang iyong karapatan dapat ito'y iyong ipag laban.

-https://www.google.com.ph/amp/www.gettingsmart.com/2015/05/11-rights-all-students-should-have/amp/

Mga Komento

  1. pano po kapag masyado kanang pinipersonal ng professor mo? o teacher mo? ano po ba dapat gawin kasi masyado po ako ini-ipit ng professor ko wala ko mawaga sana masagot nyo po ito maam/sir,

    TumugonBurahin
  2. Palagi syang merong pinapaboran sa mga classmate ko. pero pag dating sakin galit na galit talaga sya. since firstyr college ako nung nalaman nyang yung tatay ko ay kalaban sa politika ng isang untouchable kapitan samin. sana po masagot nyo to maam/sir, nakakababa na kase ng confident yung ginagawa sakin ee. plagi na lang nya ko pinapahiya. active police po sya na program head ng buong criminology course samin.

    TumugonBurahin
  3. Ano hong sinasabi sa batas ukol sa pribadong paaralan na sapilitang singilin ang bata para sa prom fee. Kahit hindi naman ito a-attend sa event?

    TumugonBurahin
  4. Ano po ang paglabag sa karapatan ng estudyante Kung ang guro ay ipinagkait sa estudyante na gumawa ng kanilang module upang di mahirapan,sa halip and guro ang gumawa ng lahat ng mga Gawain sa module

    TumugonBurahin
  5. SEGA - Lucky Club
    The latest SEGA - Lucky Club news and info on all the upcoming releases and events in luckyclub.live the SEGA collection. The latest and greatest updates for SEGA's collection of Mega Drive

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento